Sa mundong ibabaw, napakaraming bagay na ang nasayang ng bawat isa sa atin. Ilan lamang ito sa mga naisip ko na kadalasang nasasayang:
- Sayang na pagkain, madaming nagugutom.
- Sayang na pera, pinaghihirapan yan ng nanay at tatay mo.
- Sayang na oras, madami ka pang dapat gawin.
- Sayang na effort, sana sa iba mo na lang binigay.
- Sayang na damit, sana hindi mo na lang binili.
- Sayang na bagay, hindi mo naman kailangan.
At napakarami pang sayang! Pero, naisip ko lang na sa bawat sayang na nagagawa natin sa mundong ito. Mas lalo tayong natututo, mas lalo tayong nakokonsensya at mas lalo nating napapabuti ang mga gagawin natin sa susunod. Syempre, eto nanaman ako. Tungkol nanaman sa love, maraming sayang! Merong sayang tayo, sayang pinakawalan ko siya, sayang naunahan ako, sayang hindi ko nasabi sakanya yung totoo kong nararamdaman, sayang hindi tayo pwede, sayang kasi may mahal na siyang iba, sayang kasi wrong timing, sayang kasi sayang eh? Wala ka ng magagawa kasi sayang nga. Paano kung kakaisip mo na wala ng pag-asa na sayang na lahat, na hindi mo na ginawaan ng paraan kasi all along akala mo sayang na talaga? EH PWEDE PA NAMAN GAWAN NG PARAAN. Edi mas sayang naman kung pinabayaan mo na lang maging sayang lahat, ‘di ba? Kaya dapat, pinaglalaban ang mga bagay-bagay. Kahit wala sa oras, kahit wala sa lugar. Kasi every moment is an opportunity, at kung wala kang gagawin eh forever ka na lang manghihinayang diyan, mamaya dalhin mo pa yan for the rest of you’re life. Pero tandaan natin, na sa bawat kilos, sa bawat desisyong ginagawa natin, sa bawat bagay na pinipili natin may sangkatebra tayong sinasayang. Pero, pero. Kung yung isang bagay na yun ay nagawa nating ipagpalit sa milyong bagay na kinaya natin sayangin para dun. Keep in mind na, WALANG SAYANG SA ISANG BAGAY NA ALAM NAMAN NATING PINAGLABAN NATIN NG LUBUSAN.








